^

Metro

Sawi sa pag-ibig, nagtangkang mag-suicide

Ricky T. Tulipat, Ma. Juneah Del Valle - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkabigo sa pag-ibig, isang lalaki ang nag­tang­kang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang billboard makaraang hindi pumayag ang nobya na makipag-live-in sa kanya kaha­pon ng umaga sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Pedro San­chez ng Quezon City Police-Station 2, dagdag pa rito ang labis na depresyon kung kaya ginawa ni Lucien June Gocotano, 22, binata, ng Valenzuela City na umakyat sa naturang billboard na may 45 talampakang taas. Si Gocotano ay umakyat ng billboard na mata­tagpuan sa Congressional Ave­nue, Brgy. Ramon Magsaysay dakong alas-8:30 ng umaga.

Ayon sa pulisya, bago ang in­sidente, galing umano ng Bacolod si Gocotano kung saan niya inaya ang nobyang nagngangalang Teresa na ma­kipag-live-in sa kanya, ngunit nabigong mapapayag ang nobya sa kagustuhan ng huli na tapusin muna ang pag-aaral.

Dahil sa sama ng loob sa nobya, napagpasyahan ni Gocotano na bumalik sa Maynila at pagsapit sa naturang lugar ay saka umakyat sa billboard para magpakamatay na lamang.

Agad namang dumating ang mga rescuers saka sinubukang kumbinsihing bumaba si Gocotano, pero nabigo rin sila.

Tinawagan din ang kaanak nito, hanggang sa makontak nila ang pinsan nitong si Franklin. Dala marahil ng ma­­tinding init, naghubad pa ng damit pang-itaas si Gocotano, habang kinakausap ng kanyang pinsan, saka humingi ng tubig. At makalipas ang alas-12 ng tanghali, tuluyan nang sumuko si Gocotano. Sabi ni Sanchez, ini­im­bes­tigahan na nila si Gocotano na posibleng ma­harap sa kasong­ alarm scandal.

vuukle comment

AYON

CONGRESSIONAL AVE

DAHIL

GOCOTANO

LUCIEN JUNE GOCOTANO

PEDRO SAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE-STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with