^

Metro

Rider lasog sa bumagsak na steel plates

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider makaraang mabagsakan ng mga kargang steel plate ng isang 6-wheeler truck na nawalan ng preno hanggang sa tuluyang tumagilid sa San Andres, Maynila, kahapon ng umaga.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Manolito Tupaz­, 38,  ng  Road 12, Fabie Estate, Sta . Ana, Maynila, habang sugatan naman si Ronald Cestuto  sa Ospital ng Maynila.

Sumuko sa Dagonoy-Police Community Precinct bago nai-turn-over sa Manila Traffic Bureau ang suspect at driver ng Isuzu Elf (TDT-721) na si Alex Damaso, 49, ng Waling-waling St., Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Elizalde Obena, dakong alas- 10:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa intersection ng Osmeña Highway at San Andres, Maynila.

Galing sa south ang kulay blue na Isuzu Elf nang mawalan umano ng preno kaya kinabig ito sa pakaliwang direksiyon ni Damaso na eksaktong naka-red light na, subalit tumagilid ang truck na bunga ng mabigat na kargang bakal ay dumausdos pabagsak sa katabing motorsiklo ni Tupaz.

Pumailalim pa sa truck si Tupaz bago nabagsakan ng steel plates habang ang masuwerteng si Cestuto ay nagkaroon lamang ng mga sugat at pasa. Inihahanda na ang isasampang reckless imprudence resulting to homicide, physical injuries at damaged tp property laban kay Damaso.

May nadamay din na isa pang truck na nabasagan naman ng windshield.

vuukle comment

ALEX DAMASO

CALOOCAN CITY

DAGONOY-POLICE COMMUNITY PRECINCT

DAMASO

ELIZALDE OBENA

FABIE ESTATE

ISUZU ELF

MANILA TRAFFIC BUREAU

MAYNILA

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with