^

Metro

Ama patay sa anak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 63-anyos na ama nang tadtarin ng bala ng baril ng sarili nitong anak makaraang magtalo  sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nalagutan ng hininga sa loob ng Asian Hospital ang biktimang si Antonio Antonio, ng Concha Cruz Drive, BF Homes, Brgy. BF Homes, Brgy. Almanza 1, ng naturang lungsod.  Nagtamo ang biktima ng limang tama ng bala ng caliber super .38 sa katawan.

Sumuko naman ang suspek na anak na si Nelson Antonio, 44.  Isinuko rin nito ang baril na ginamit sa pamamaril.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, naganap ang pa­ma­maril sa loob ng opisina sa loob ng bahay ng nakata­tandang Antonio dakong alas-9 ng umaga.

Ayon sa security guard ng BF Homes na si Ramil Borris, narinig niyang nagtatalo ang mag-ama kung saan sumigaw pa ang suspek ng katagang: “lagi na lang ako.”

Magkakasunod na putok ng baril naman ang sumunod na umalingawngaw hanggang sa lumabas ng kanyang opisina ang biktima at hinahabol pa ng anak bitbit ang baril.

Agad namang humingi ng responde ang mga security guard sa pulisya na nagtungo sa lugar sanhi upang masakote ang batang Antonio.  Isinasailalim na sa imbes­tigasyon ang suspek.

Nabatid na kamakalawa ng gabi pa lamang ay nagwa­wala na ang suspek at pinagbabaril pa ang gate ng kanyang bahay. Natigil lamang ito nang dumating ang ama na nagbanta na ipapaaresto ito sa mga pulis.

vuukle comment

ALMANZA

ANTONIO ANTONIO

ASIAN HOSPITAL

BRGY

CITY POLICE

LAS PI

NELSON ANTONIO

RAMIL BORRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with