^

Metro

Maayos na daloy ng trapiko sa ‘EDSA Tayo’, tiniyak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gagawing prayer rally sa Edsa sa Sept. 11 bilang protesta sa pork barrel, tiniyak ng Quezon City Police District ang maayos na daloy ng trapiko sa nasabing lansangan habang isinasagawa ng civil society ang naturang aktibidad.

“We intend to maintain a free flow of traffic on EDSA so as not to inconvenience others,” sabi ni QCPD deputy director for operations Senior Supt. Procopio Lipana.

Nangangahulugan uma­no ito na ang mga dadalo sa mahabang prayer vigil ay hindi maaaring magpakalat-kalat sa lansangan, at limitado lamang sila sa EDSA Shrine kung saan ginagawa ang kanilang programa.

Ang QCPD, kabilang ang Eastern Police District, ay naatasang magse-secure sa rally sa Sept. 11.

Sabi ni Lipana, ang pagpa-plano ay isasapinal sa koordinasyon ng National Capital Region Police Office at ng Metropolitan Manila Development Authority.

Kabilang dito ang deployment ng mga pulis at traffic enforcers mula sa Quezon Department of Public Order and Safety ng City Hall.

Sabi ni Lipana, ang ilang organizers ng rally ay nilapitan ang QCPD, at kalaunan ay inireper nila ito sa Quezon City Hall para makakuha ng permit sa gagawin nilang rally.

“We are preparing for a rally from 6 am to 6 pm,” sabi pa ng opisyal.

Ang gagawing rally sa Miyerkules ng tinawag na “Edsa Tayo” ay kasabay sa  ika-12 anibersaryo ng 9-11 terror attacks na nangyari sa World Trade Center sa New York noong 2001.

Dagdag ni Lipana, bagama’t ang mga pulis sa Metro Manila ay nasa red alert para sa 9-11 anniversary, wala namang intelligence reports na pagbabanta sa naturang okasyon.

 

CITY HALL

EASTERN POLICE DISTRICT

EDSA TAYO

LIPANA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NEW YORK

PROCOPIO LIPANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with