^

Metro

3 Tsino timbog sa P314-M shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Chinese national ang nalambat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa inuupahang mansion house ng mga ito na nagsisilbing drying station ng iligal na droga sa Tondo.

Nasamsam sa mga dayuhan ang mga shabu na nagkakahalaga ng 314 milyong piso.

Kinilala ni NBI-OIC at Justice Secretary Leila De Lima ang mga suspect  na sina Ong Tsen Siong, alyas Jackie Lopez at William Uy; Lee Chian Chiat  at Sy Tian Kok.

Pinaniniwalaang kasapi ang tatlo ng isang big-time drug syndicate na nag-ooperate sa bansa.

Umabot sa 62 na kilo ng shabu ang nakumpiska  sa Unit  704 sa 3rd floor ng Cathay Mansions  na mata­tagpuan sa Mayhaligue St., Tondo, Maynila, sa operasyong isinagawa kamakalawa ng gabi.

Mahirap umanong matukoy na shabu o metamphe­tamine hydrochloride ang kanilang kinumpiska, na ayon sa paglalarawan sa droga ay mistulang legal na produkto. Nakabalot ito sa aluminum foil tea bags, na may markings­  ng Chinese characters, na idinedeklarang Chinese tea at medisina.

Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa  Bureau of Customs (BoC)  upang matukoy kung saan galing ang  kargamento at sino ang consignee.

Bukod sa malaking bulto ng shabu,  sinamsam din ng NBI ang mga cloth dyer, humidifiers, drying pans,  timbangan,  mga plastic containers, vacuum sealers, vacuum packaging machines,  unused packaging materials,  used tea bags na gawa sa aluminum foil  na may tatak na Chinese­ characters at may residue pa ng shabu.

Ang tatlong Chinese na sinasabing mga tauhan umano ng  Chinese Drugs Triad ay  haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

BUREAU OF CUSTOMS

CATHAY MANSIONS

DRUGS ACT

DRUGS TRIAD

JACKIE LOPEZ

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

LEE CHIAN CHIAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with