Kelot todas sa sumpak
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki maÂkaraang pagbabarilin at bugbugin ng armadong suspect sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, iniulat kahapon.
Ayon kay PO2 Julius Balbuena, imbestigador ng kaso, maraming tama ng bala ang tinamo ng biktimang si Rannie Espadero, 26, residente ng Agham Road, San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.
Habang pinaghahanap na ng pulisya ang suspect na si Lyndon Cortaga, residente ng Brgy. Bagong Pag-Asa, Quezon City.
Nangyari ang insidente ganap na alas 3:30 ng hapon sa tapat ng Adelina Farm malapit sa Agham Road, San Roque 1.
Ayon sa saksing si Albert Lacaba, bago mangyari ang insidente, nakatayo siya sa nasabing lugar nang makita niya ang suspect na sumulpot sa lugar saka pinagbabaril ang biktima gamit ang isang sumpak.
Bagamat sugatan na ang biktima, nagawa pa nitong makatakbo ngunit inabutan at nakorner siya ng suspect at pinaghahampas ito gamit ang sumpak hanggang sa malagutan ng hininga.
- Latest




















