Dorm pinasok, boarder inutas
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaÂking boarder habang suÂgatan ang isa pa niyang kasamahan makaraang pasukin ang kanilang tinutuluyang boarding house at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Taguig City kamakalawa ng madaling-araw.
Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Samuel Nacion, 32-anyos, ng Kakawati St., Western Bicutan bunga ng tama ng bala sa katawan habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang boardmate na si Edgar Morales na nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital.
Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-2 ng madaling-araw nang umaÂlingawngaw ang sunud-suÂnod na putok ng baril sa labas ng bahay ng mga biktima.
Umiihi umano si Nacion at napalabas ng banyo dahil sa putok ng baril hanggang sa bigla na lamang siyang pagbalingan at bistayin din ng bala ng mga hindi pa kilalang suspek.
Nakatakbo at nakapagtago naman sa rooftop ng bahay si Morales na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan kaya hindi napuruhan.
Hinihinala ng pulisya na si Morales ang target ng mga salarin dahil sa iligal na droga.
Nabatid na kalalabas pa lamang ng kulungan ni Morales dahil sa kaso sa droga at kamakailan ay sinalakay din ng mga pulis ang bahay nito dahil sa hinalang pagtataglay ng iligal na droga.
- Latest





















