Onsehan sa droga 3 todas sa shootout
MANILA, Philippines - Tatlong katao ang nasawi habang isa ang malubhang nasugatan sa naganap na engkuwentro sa Novaliches, Quezon City kahapon ng hapon.
Ayon kay Supt. Norberto Babagay, hepe ng QCPD Station 4, nakilala ang mga nasawi na sina Bernardo Apostol, Muhammad Eto Muslim, at alyas Tony Muslim dahil sa tama ng mga bala sa katawan.
Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang suÂgatan na si Nasser Guadal ng Florentina St., Gulod Novaliches.
Sinabi ni Babagay, nangyari ang insidente sa may interior Masaya Muslim compound sa Brgy. Gulod, ganap na alas-2:30 ng hapon.
Diumano, onsehan sa droga ang dahilan ng naÂsabing barilan na kinabibilangan ng dalawang suspect na mabilis ding nakatakas.
Narekober sa lugar ang ilang basyo ng kablire 45 at .9mm na baril na ginamit sa naturang krimen.
- Latest
















