Sanggol inabandona sa karinderya
MANILA, Philippines - Isang kasisilang lamang na sanggol na lalaki ang natagpuan makaraang iwan sa loob ng estante ng isang karinderya sa lungsod Quezon kahapon.
Ayon sa barangay ofÂficial ng Brgy. South TriÂangle, ang sanggol na maayos namang naÂtagpuan ay may suot pang diaper at may bote ng gatas sa kanyang tabi. Sa suot na damit ng sanggol ay may burda na nakalagay na “Yuriâ€.
Sabi pa sa ulat, ang nasabing sanggol ay itinawag lamang umano sa kanila ng isang ayaw magpaÂkilalang may-ari ng karinderya matapos na makita ito sa isang estante na lalagyan ng ulam, alas-6:50 ng umaga.
Sinasabing alas-5:15 ng madaling-araw nang matagpuan ito kung kaya nang malaman ng baÂrangay ay agad na pinuntahan at kinuha.
Pinaniniwalaan ng baÂrangay official na kasiÂsilang pa lamang ng sanggol dahil may pusod pa ito nang matagpuan. Ibinigay na sa pangaÂngalaga ng Department of Social Welfare and Development ang nasabing sanggol.
- Latest