^

Metro

‘Salisi’ sa ospital, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 25-anyos na lalaki  na miyembro ng “salisi gang” nang ma­aktuhan sa pagnanakaw ng cellphone sa isang pas­yente sa loob ng ward ng Philippine General Hospital (PGH) sa  Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakapiit na sa Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section ang suspect na si Roldan Demo, alyas “Dan”, ng Block 31, Area II, Sapang Palay, Del Monte, Bulacan dahil sa reklamo ni Karren­ Callao, 21, ng Tambo, Parañaque City.

Ayon kay PO3 Ferdinand Leyva ng MPD-Station 5, dakong alas-8:00 ng umaga­ nang maaresto ang suspect habang papalabas ng  Ward 15, ng PGH.

Nabatid na natutulog ang biktimang bagong panganak sa Bed 14 nang ma­alimpungatan sa kaluskos at naaktuhan niya ang suspect na ginagalaw ang kanyang bag.

Nang kanyang lingunin ay nakita ang pa­paalis na suspect at wala na ang kanyang  Lenovo cell phone, na ipinasa sa kasama niyang babae saka mabilis na lumabas ng ward. Agad naman siyang inaresto ng ru­mespondeng security  guard ng ospital. Hindi na narekober ang cell phone na na­tangay ng kasabwat ng suspect.

 

vuukle comment

ARESTADO

DEL MONTE

FERDINAND LEYVA

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

ROLDAN DEMO

SAPANG PALAY

SHY

THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with