^

Metro

Dahil sa singitan sa pila Driver patay sa kapwa driver

Ricky T. Tulipat, Ma. Juneah Del Valle - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tricycle driver makaraang barilin ng kasamahan nito matapos mapikon nang sitahin ng una ang huli dahil sa pagsingit sa pila ng tricycle, kamakalawa sa Quezon City.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng bik­timang si Romeo Dizon Sr., 45, residente ng Phase 3, Area B, Lupang Pangako, Payatas B, Quezon City.

Habang ang suspect ay kinilalang si Vicente Martoña, alyas Dodong at residente ng Lupang Pangako Payatas B, Quezon City.

Naganap ang pamamaril alas-12:10 ng tanghali sa LPUPP Toda (Payatas B Tricycle Terminal) na mata­tagpuan sa Phase 4, Area B, Lupang Pangako, Payatas sa naturang lungsod.

Bago ang insidente, sinita umano ni Dizon si Martoña dahil sa pag-o-overtake nito sa pila ng kanilang hanay.

Dahil dito, nairita si Martoña at kinumpronta si Dizon na nagresulta sa mainitang  pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo ay binunot ni Martoña ang kanyang baril saka itinutok sa ulo ni Dizon, sabay kalabit sa baril pero hindi pumutok.

Dahil dito, agad na umalis si Dizon sa lugar ngunit si­nundan pa rin siya ni Martoña.

Nang maabutan ay saka muling binaril ito sa ulo dahilan upang humandusay ang biktima sa lapag.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect patungo sa hindi ma­batid na direksyon.

Tinutugis na ng awtoridad ang nasabing suspect.

 

vuukle comment

AREA B

DAHIL

DIZON

LUPANG PANGAKO

LUPANG PANGAKO PAYATAS B

MARTO

PAYATAS B

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with