^

Metro

Mag-asawa dedo sa rider

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang mag-asawa nang pagbabarilin ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod si Ariel Serenilla, 43, habang sa leeg naman ang tama ng kanyang misis na si  Lourdes, 49,  kap­wa residente ng Manotok Subdivision, Brgy. Marulas ng naturang lungsod.

Ayon sa report ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:35 ng gabi sa kahabaan ng Anak Dalita St., Brgy. Marulas ng naturang siyudad­.

Sakay ang mag-asawa sa isang tricycle  at sumabay sa kanila ang nakamo­torsiklong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mag-asawa.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek at ang mga biktima naman ay mabilis na dinala sa naturang ospital subalit hindi na umabot pang buhay.

Nabatid na noong nasa ka­anak nila  ang mga biktima sa Barrio Bitik, Gen. T. De Leon ng naturang lungsod ay napansin na ang suspek na sinusubaybayan ang mag-asawa at panay ang ikot habang dala ang motorsiklo.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpaslang at kung sino ang posibleng may gawa nito, habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ANAK DALITA ST.

ARIEL SERENILLA

BARRIO BITIK

BRGY

DE LEON

FATIMA MEDICAL CENTER

MANOTOK SUBDIVISION

MARULAS

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with