Kelot, hulog sa 5th floor, utas
MANILA, Philippines - Durog ang bungo ng isang lalaki makaraang mahulog mula sa ikalimang palapag ng isang commercial building kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Alexis Pengson, 23, roof installer, residente ng #1007 G. Euseco St., Tondo Manila.
Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, nangyari ang insidente ganap na alas-2:25 ng hapon sa Regalado Hive Commercial Building na matatagpuan sa kahaÂbaan ng Regalado Ave., sa naturang lungsod.
Sinabi nina Bert Simon Fajelan, project engineer at Antonio Duatin, construction site foreman, nag-uusap silang dalawa sa ground floor ng natuÂrang gusali nang biglang nahulog sa tapat nila ang biktima mula sa ikalimang palapag ng gusali kung saan nito inilalagay ang pre-painted na yero.
Agad naman nilang isinugod ang biktima sa Far Eastern University Hospital ngunit idineklara na rin itong dead on arrival. (with Ma. Juneah Del Valle)
- Latest