^

Metro

P2-M ari-arian, naabo sa sunog­

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa P2 mil­yong halaga ng mga ari-arian ang nilamon ng apoy sa isang sunog na  naganap sa anim na bahay­ sa isang  resi­dential area sa Quezon City, kahapon ng  mada­ling-araw.

 Ayon kay QC Fire Marshall, Supt. Jesus Fernandez, ganap na alas-3:55 ng mada­ling-araw nang bigla na lamang umanong sumiklab ang apoy sa  2nd floor  ng bahay ng isang Ibraham Dalosar sa  Int., Masaya St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Bunga nito, mabilis na kumalat  ang apoy kung saan nadamay ang  limang katabi pang bahay.

 Ganap namang alas- 4:30 ng umaga  naapula ang  sunog.

May 10 pamilya umano ang nawalan ng tahanan sa sunog na ito pero wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

BUNGA

FIRE MARSHALL

IBRAHAM DALOSAR

JESUS FERNANDEZ

MASAYA ST.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with