^

Metro

Dagdag na pasilidad sa terminal,tiniyak ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA)  sa mga bus operators na matatapos na sa susunod na linggo ang mga dagdag na pasilidad at ibang pagbabago sa Southwest Integrated Provincial Terminal (SWIPT) upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasahero at bus drivers.

Ito ang binitiwang salita ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa mga bus ope­rators matapos na matuloy ang kanilang pagpupulong sa kanyang tanggapan.

Ipinaalala ni Tolentino sa mga operators na paglabag sa kanilang prangkisa ang ginawang kilos-protesta ng kanilang mga tsuper habang dapat magtiis umano ang lahat­ habang nasa “adjustment period” sila sa terminal.

Kabilang sa mga pagbabagong gagawin ng MMDA na base sa mga lehitimong reklamo ay ang: konstruksyon ng “covered walkway” mula Roxas Boulevard Coastal Road footbridge patungo sa SWIPT; taxi bay sa terminal exit sa MIA Road; pagpapa­lapad sa SWIPT MIA Road exit tungo sa Coastal Road na magsisilbing “exclusive lane” sa mga Cavite buses.

Kasama rin ang pagsa­saayos ng daan ng mga bus sa loob ng terminal; pagka­kabit ng mga “exhaust fans, drinking fountains”; habang plano rin na magpalabas ng libreng pelikula at concert para sa mga pasahero.

Dagdag na mga “loading/unloading bays”; konstruksyon ng Terminal 2 para sa mga bus na biyaheng Agui­naldo Highway; at hiwalay na “dispatch system” para sa mga airconditioned at ordinary buses.

Para sa mas mabilis na pila ng bus, isang beses na lamang idadaan sa “fingerprint scanning” ang mga tsuper buhat sa dating kada biyahe.

 

AGUI

BUS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COASTAL ROAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

ROXAS BOULEVARD COASTAL ROAD

SHY

SOUTHWEST INTEGRATED PROVINCIAL TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with