^

Metro

Miyembro ng BNG, itinumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinumba ang isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ na pinagbabaril sa harapan ng kaniyang bahay  sa Tondo, Maynila, kamaka­ lawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Jejomar Lega­rejo, 24, ng Interior 32 Perlas St., Tondo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Nakaupo lamang sa ha­rapan ng bahay niya ang bik­tima nang sumulpot ang mga suspect  at bigla siyang pinaputukan ng ilang beses at nang mabuwal ay saka tumakas sa pamamagitan ng inagaw na Honda Wave 100 (NH-3606) na pag-aari ng isang Andrew Bilan ang mga salarin.

Samantala, lumabas sa beri­ pikasyon ng pulisya na ang biktima ay isa sa suspect sa pamamaslang kay PO1 Jessie Boy U. Lorenzo, dating nakatalaga sa RPSB Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, noong Marso 20, 2013 sa Tondo, Maynila. (Ludy Ber­mudo­ with trainee Jamille Obcena)

vuukle comment

ANDREW BILAN

CAMP BAGONG DIWA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

HONDA WAVE

JAMILLE OBCENA

JEJOMAR LEGA

JESSIE BOY U

LUDY BER

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with