^

Metro

Cavite bus operators, tumiklop sa MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na pagbantaan na kakasuhan dahil sa pangunguna sa naganap na tigil-pasada ng kanilang mga bus units, nais ngayon ng mga bus operators sa lalawigan ng Cavite na makipagdayalogo sa Me­tro­politan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) upang mapag-usapan ang dinaranas umano nilang problema sa Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa Coastal Mall, Parañaque City.

Hugas-kamay naman ang mga bus operators sa naganap na tigil-pasada ng ilang bus units na kusang-loob umanong ginawa ng kanilang mga drivers. 

Sinabi ni Nez Martinez, pangulo ng United Cavite Bus Operators Transport Inc., na maging sila umano ay nagulat sa pagtigil sa bi­yahe ng kanilang mga dri­vers. Maaaring nagawa umano ito ng mga tsuper dahil sa mga problemang nararanasan sa terminal.

Nais naman ng mga bus operators na makipag-pulong kay MMDA Chairman Francis Tolentino na nagalit sa mga bus operators nang mistulang isabotahe umano ang biyahe at ang operas­yon ng terminal.  Nais nilang ibulalas kay Tolentino ang mga hinaing at mahanapan ng solusyon.

Kasama umano sa mga problemang nararanasan ng mga driver ang mahabang pila, kawalan ng mga pali­kuran at makakainan sa loob ng naturang terminal. Halos 70% na rin umano ang lugi ng mga bus operators mula nang buksan at ipagamit sa kanila ang terminal dahil sa nalilimitahan ang biyahe ng bawat bus ng isa hanggang dalawang biyahe kada araw dahil sa bagal ng pila sa terminal.

Kahapon, balik-normal na ang operasyon ng mga bus sa naturang terminal nang bumiyahe muli ang mga bus drivers na kasamang nagtigil-pasada. Nakipagpulong na rin ang mga bus operators kay MMDA operations manager Emerson Carlos.

BUS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COASTAL MALL

EMERSON CARLOS

MANILA DEVE

NEZ MARTINEZ

OPERATORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with