^

Metro

Brgy. chairman, kritikal sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng riding in tandem habang ang una ay nag-aalmusal sa isang karinderya, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital­ sanhi ng ilang mga tama ng bala sa katawan  ang biktimang si Felipe Alday, 59, residente at chairman ng Brgy. 178, Camarin ng naturang lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-7:50 ng umaga sa isang karinderya sa panulukan ng Durian at Sampaloc Sts., Camarin ng naturang lungsod habang ang biktima ay nag-aalmusal at hindi nito namalayan ang paparating na motorsiklo lulan ang mga suspect.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima dahilan upang bumulagta ito habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspect. Isa sa anggulong sinisiyasat ngayon ng pulisya ay kung may kinalaman sa pulitika ang pamamaril dahil nalalapit na ang halalang pang-barangay sa buwan ng Oktubre.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

FELIPE ALDAY

GINAGAMOT

ISA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NAGANAP

OKTUBRE

SAMPALOC STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with