^

Metro

4 katao, sugatan sa resbak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinasabing resbak ang posibleng dahilan kung bakit pinagbabaril ng isang hindi kilalang lalaki ang apat na katao sa loob ng isang compound sa Mandaluyong City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan pa ngayon sa Mandaluyong City Medical Center ang mga biktima na nakilalang sina Jeffrey Reyes Bunanig, 33, at Jocelyn Reyes Pingul, kapwa residente ng Ilaya St., Barangay Ilaya, Mandaluyong City.

Samantala, sugatan rin naman sa insidente ang dalawang construction worker na sina Willy Alcantara, at Gino Lorenzo, 26, kapwa ng Mandaluyong City.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nag-iisang suspek na tu­makas sakay ng isang scooter at inilarawang naka­suot ng bull cap at jacket.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marvin Masangkay ng Criminal Investigation Unit (CIU), nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon sa mismong compound ng pamilya Reyes sa Ilaya St.

Sinasabing bigla na lang dumating ang suspek na sakay ng scooter at pinagbabaril sina Alcantara at Lorenzo na siyang nautusang gumawa ng bagong gate ng pamilya Reyes.

Nang makitang bumagsak ang dalawa ay kaagad na pumasok ng bahay ang suspek at saka naman binaril sina Bunanig at Pingul.

Inaalam na umano ng pulisya kung posibleng pag­hihiganti ang motibo ng pamamaril dahil noong Agosto 9, 2013, isang Gerald Reanales ang binaril din sa lugar, at itinuturo umanong kabilang sa mga suspek sa insidente ay kamag-anak ng mga Reyes.

Lumilitaw na away sa lupa ang posibleng ugat ng krimen at maaaring nadamay lamang sina Alcantara at Lorenzo.

Patuloy ang imbestigas­yon sa kaso.

BARANGAY ILAYA

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

GERALD REANALES

GINO LORENZO

ILAYA ST.

INAALAM

JEFFREY REYES BUNANIG

MANDALUYONG CITY

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with