^

Metro

Puganteng karnaper nasakote

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik-kulungan ang 18-anyos na pugante matapos itong madakip habang pinapasada ang kinarnap na pampasaherong jeepney sa Valenzuela City kahapon.

Kinilala ang naarestong pugante na si Donald John Toribio ng Custodio Street sa Barangay Santolan, Malabon City.

Sa ulat ng Valenzuela City PNP, bandang alas-4 ng madaling-araw nang maispatan ang kinarnap na jeepney na may plakang NXC-859 na pinapasada ng suspek sa kahabaan ng  Gen. Luis, Barangay  Bagbaguin, Valenzuela City.

Gayon pa man, pinara ng mga operatiba ng pulisya ang minamanehong jeepney ni Toribio. Kung saan kaagad namang dumating ang may-ari na si Donato De Guzman.

Makalipas ang ilang oras ay dumating naman si  Vicente Vedeja upang magreklamo kaugnay sa nawawala rin ang kanyang jeepney (CAB-889).

Kasunod nito, itinuro ng suspek ang kinarnap na jeepeny ni Vedeja sa Princetown Subdivison sa Bagumbong, Caloocan City kung saan nabawi naman ang sasakyan.

Inamin ni Toribio na kasama niya sa pagnanakaw sina alyas Mark at Marvin na pinaghahanap na ng pulisya.

Nabatid na si Toribio ay nakatakas sa Barugo PNP sa Caloocan City noong July 19, 2013 matapos makulong sa ka­parehong kaso.

vuukle comment

BARANGAY SANTOLAN

CALOOCAN CITY

CUSTODIO STREET

DONALD JOHN TORIBIO

DONATO DE GUZMAN

MALABON CITY

PRINCETOWN SUBDIVISON

TORIBIO

VALENZUELA CITY

VICENTE VEDEJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with