^

Metro

3 district collectors ng BOC mananatili

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng isinagawang re-organisasyon sa Bureau of Customs (BOC), nagpalabas ng Memorandum Order si Customs Commissioner kung saan nagkaroon ng status quo sa tatlong collector sa sub-port level.

Kabilang sa mga ito ay sina Port of Batangas District Collector Tomas Alcid, Sub-Port of Mariveles, Bataan District Collector Atty. Elvie Cruz at Port of San Fernando, La Union District Collector Fidel Villanueva.

Ayon kay Biazon, ang status quo order ay epektibo hangga’t walang inilalabas na  awtorisasyon mula sa  Department of Finance hinggil sa  panukalang reorganization ng District Collectors.

Paliwanag ni Biazon,  desisyon niyang panatilihin si Alcid­  sa puwesto dahil kapapalit lamang nito  sa nagretirong collector.

Aniya,  nagsisimula pa lamang si Alcid na  bumuo ng kanyang network sa Batangas habang si Villanueva naman ay mananatling District Collector ng  Port of San Fernando, La Union dahil sa isinasagawang containerization program. 

Mananatili din sa puwesto si  Cruz sa Sub-Port of Mari­veles, Bataan dahil  nasa proseso nang pag-isahin ang Port of Limay at Sub-Port of Mariveles.

Sinabi ni Biazon, na ang kanyang panukalang  balasahan ng mga collectors ay para sa 14 District Collectors lamang ng  BOC. Susunod namang babalasahin ang section chiefs, customs examiners and appraisers.

 

BATAAN DISTRICT COLLECTOR ATTY

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER

DEPARTMENT OF FINANCE

DISTRICT COLLECTORS

PORT

PORT OF SAN FERNANDO

SUB-PORT OF MARIVELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with