^

Metro

Pasay health office, umalerto sa leptospirosis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaalerto na ngayon ang Pasay City Health Department sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit na leptospirosis habang patuloy na lubog sa baha ang ilang barangay sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Dr. Maria Lourdes San Juan, chief ng Pasay Health Department, kahit na wala pang naitatalang tina­tamaan ng naturang sakit sa 30 barangay na nalubog sa baha sa kasagsagan ng bagyong Maring at ng Habagat.

Sa kasalukuyan, lubog pa rin sa baha ang ma­laking bahagi ng Brgy. 183 sa lungsod na siya ngayong pangunahing tinututukan ng mga health workers.

Kabilang sa paghahanda na kanilang isinasagawa ang pamamahagi ng higit sa 3 libong kapsula ng Doxi­cyclin sa mga residente upang agad na masa­wata ang pagkalat ng naturang sakit.  Nakukuha ang   leptos­pirosis sa mikrobyong dulot ng ihi ng daga na nasasama sa baha at pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng sugat.

Samantala sa Para­ñaque City, magbibigay ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa pamilya ng 84-anyos na lola na si Purita Maluz, ng Brgy. San Dionisio na nasawi maka­raang malunod sa matin­ding pagbabaha.

Pinag-aaralan na rin umano ngayon ng pamahalaang lungsod ang relokasyon sa mga pamilya na nakatira malapit sa mga ilog sa lungsod upang hindi na malagay sa panganib ang kanilang buhay sa panahon ng kalamidad na taun-taon nang tumatama sa bansa.

 

BRGY

DOXI

DR. MARIA LOURDES SAN JUAN

PASAY CITY HEALTH DEPARTMENT

PASAY HEALTH DEPARTMENT

PURITA MALUZ

SAN DIONISIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with