^

Metro

24/7 pagsipsip sa Lagusnilad

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na 24/7 ang kanilang isasagawang pagsipsip sa tubig-baha sa Lagusnilad sa Maynila upang agad na madaanan ng mga maliliit na sasakyan.

Tumaas ang tubig sa Lagusnilad hanggang sa hindi na ito madaanan pa ng mga sasakyan bunsod ng bagyong Maring simula pa noong Lunes.

Kahapon ay personal na pinangasiwaan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang pagsipsip ng tubig sa Lagusnilad kasama  ang iba pang mga tauhan ng MMDA.

Ayon kay Tolentino, ang lahat ng paraan ay ginagawa ng MMDA upang agad na masipsip ang may kalahating milyong litro ng tubig-baha. Aniya, maging ang mga  kagamitan ng  mga local government unit at mga volunteer ay nagtutulung-tulong na rin upang madali ang clearing operations.

Inaasahan na ngayon ay madadaanan na ang Lagusnilad kasabay ng pag-alis ni Maring sa bansa. Sinabi pa ni Tolentino na magsasagawa rin sila ng paglilinis ng iba pang mga kanal  at drainage sa mga susunod na araw  kung saan inaasahan ang  tone-toneladang mga  basura  na  iniwan ng  baha.

ANIYA

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

INAASAHAN

KAHAPON

LAGUSNILAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with