^

Metro

Baha na, 2 sunog sumiklab pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng tuluy-tuloy na pag-ulan, dalawang sunog ang sumiklab sa mga lungsod ng Pasay at Makati kahapon. Dakong alas-6:41 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang bodega na naglalaman ng mga imbak na mga damit.  Naapula naman agad ang apoy makaraan ang dalawang oras. Sumiklab rin ang isa pang sunog dakong alas-9 ng umaga sa ikalawa at ikatlong palapag ng  hardware store na Ayala Builders sa may EDSa Magallanes sa Makati City.

Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula ng mga tauhan ng Makati Fire Department dakong alas-10:30 ng umaga.  Nahirapan umano ang bumbero na agad na maapula ang apoy dahil sa pagsiklab ng mga naka-stock na mga pintura at iba pang kemikal sa loob ng tindahan. Sinasabing nag-ugat ang sunog dahil  sa “faulty electrical wiring­” ng establisimiyento.  Wala namang naiulat na nasaktan sa dalawang naturang insidente ng sunog.

vuukle comment

AYALA BUILDERS

DAKONG

MAGALLANES

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPARTMENT

NAAPULA

NAHIRAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with