^

Metro

Baha dumoble: 60% ng Metro Manila lumubog

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja, Joy Cantos, , Mer Layson, Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumoble pa ang delubyo sa Metro Manila matapos na 60 porsiyento nito ang lumubog sa tubig-baha sa ikatlong araw dulot ng pa­tuloy na pag-ulang ibinuhos ng mag­kasanib na habagat at bagyong Maring, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Dr. Edgar Olet, director ng Office of Civil Defense-National Capital Region (OCD-NCR), nadagdagan pa ang mga binahang lugar sa Metro Manila dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.

Bunga nito, nagpatupad ng mandatory at forced evacuation sa mga mababang lugar sa Metro Manila.

Patuloy naman ang monitoring sa Marikina River, Na­pindan at Mangahan floodway sa eastern part ng Metro Manila. Nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa mga pa­ngunahing lansangan sa Metro Manila partikular na sa mga tunnel lalo na sa Magallanes, P. Burgos at Buendia sa Makati City.

Samantala, sinuspindeng muli ang klase sa lahat ng antas  maging sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pribadong kumpanya sa Metro Manila maliban sa mga tanggapan na nasa disaster and rescue operations.

Libu-libong pasahero at mga residente sa kanilang mga tahanan ang stranded dahil sa matinding pagbaha sa Metro Manila.

Sa press briefing naman sa NDRRMC sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Dr. Vicente Malaon, acting deputy administrator ng PAGASA, nalagpasan na ng ibinuhos na ulan ng habagat ngayong 2013 sa rekord na 475.4 millimeter sa habagat noong Agosto 7,2012  na naitalang 354.2 millimeter.

Sa panig naman ni Interior and Local Government Sec­retary Mar Roxas na masusing ipinamomonitor ni Pangulong Benigno Aquino ang sitwasyon ang mga apektadong lugar sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan sa Luzon upang maiparating ang mga kina­kailangang tulong.

CAMP AGUINALDO

DR. EDGAR OLET

DR. VICENTE MALAON

MAKATI CITY

MANILA

METRO

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with