^

Metro

Mister binoga, patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binawian ng buhay ang isang mister nang pagbabarilin  ng hindi pa kilalang suspect habang ang biktima ay papauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Michael Gomez, 33,  ng  Everlasting St., Brgy. Tangos ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-10:30 ng gabi, malapit sa bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid, na  naglalakad ang biktima   nang biglang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril si Gomez, dahilan upang bumulagta ito.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspect. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

 

vuukle comment

BATAY

BINAWIAN

BLANGKO

EVERLASTING ST.

MICHAEL GOMEZ

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with