^

Metro

Bagong silang na sanggol, natagpuang patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong silang na sanggol na nakasilid sa kahon­ ang natagpuang wala nang buhay sa isang sub­dibisyon sa lungsod ng Quezon kama­kalawa ng hapon.

Sa ulat ni SPO1 Joselito Gagaza ng Criminal Inves­tigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, natagpuan ang sanggol ganap na alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng Kingspoint Subdivision, Brgy. Bagbag, sa lungsod.

Ayon sa nakakitang si Jeffrey Negre, security guard, nadiskubre niya ang sanggol na nakasilid sa isang kahon na may nakalagay sa binti nito at nakasaad ang Baby Julian LTCS F-67887 Dr. Mateo. Agad itong inireport ng sekyu sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Quezon City Police Station 4, dalawang araw pa lamang umano nailalabas sa ospital ang sanggol bago ito matagpuang patay sa lugar.

Sabi ng pulisya, posibleng buhay pa ang sanggol nang ilabas sa ospital at nang na­matay ay  saka itinapon.

Patuloy pang nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon upang matukoy ang mga magulang na posibleng nagtapon sa sanggol.

vuukle comment

BABY JULIAN

CRIMINAL INVES

DETECTION UNIT

DR. MATEO

JEFFREY NEGRE

JOSELITO GAGAZA

KINGSPOINT SUBDIVISION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

QUEZON CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with