^

Metro

Starex van ng negosyanteng si Cristina Decena niratrat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamatayan ang negosyanteng si Cristina Decena at anak nitong lalaki subalit sugatan naman ang kasambahay nito makaraang ratratin ng riding-in-tandem ang sinasakyan nilang Starex van kahapon sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) La Loma Station, si Decena kasama ang anak na si Danilo Decena, 26; ay nakaligtas matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa panulukan ng Banawe at Simoun Sts., Brgy. Talahib, Sta. Mesa Heights, sa naturang lungsod.

Habang sugatan naman ang kasambahay nilang si Helen Felesco, 46, na ngayon ay ginagamot sa  United Doctors Medical Center (UDMC) matapos magtamo ng sugat dulot ng sharpnel.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng starex van (TQO-131) ang mga biktima na minamaneho ni Danilo sa nabanggit na lugar nang paulanan ng putok ng baril ng riding in tandem suspect.

Matapos pagbabarilin ng mga suspect ang van ay binangga ni Danilo ang motorsiklo ng mga suspect dahilan para masira ito at hindi  agad makatakas. Dahil dito, pumara ang mga suspect ng taxi ngunit hindi sila pinagbigyan ng driver nito. Hanggang sa nagdesisyon silang kuhanin ang motorsiklo ng isang water delivery boy na siyang ginamit sa pagtakas.

Iniimbestigahan na ang motibo ng insidente.

 

vuukle comment

AYON

CRISTINA DECENA

DANILO

DANILO DECENA

HELEN FELESCO

LA LOMA STATION

MESA HEIGHTS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SIMOUN STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with