Sidewalk vendors sa Baclaran, winalis
MANILA, Philippines - Kung sa Maynila ay bahagyang naibsan ang trapik dahil sa ipinatupad na bus ban, tila nagpakilala na rin ang bagong pamunuan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque makaraang walisin naman kahapon ang mga sidewalk vendors sa Baclaran sa Redemptorist Road.
Inumpisahan ang clearing operations dakong alas-7 ng umaga ng mga tauhan ng Parañaque City Hall, Metropolitan Manila DevelopÂment Authority (MMDA), barangay officials at Parañaque Police.
Ngunit nakapagtataka naman na bago maÂumpisahan ang “clearing operations†sa Roxas Blvd., Redemptorists Road at Quirino Ave., nagkani-kanya nang hakot ang mga vendors ng kanilang mga paninda at lumipat sa bahagi ng lungsod ng Pasay.
Binomba na lamang ng tubig ng mga tauhan ng MMDA ang mga kalsada na naging napakadumi at mabaho. Nagpasikat naman ang mga tauhan ng Parañaque police nang dumating si Mayor Edwin Olivarez at tinangkang hakutin ang mga paninda ng mga tindero na nasa gilid na ng bangketa ngunit pumalag na ang mga tindero.
Agad namang nakipagpulong kay Olivarez ang mga pinuno ng mga vendors sa lugar na humihiling na ipagpatuloy ang kanilang pagtiÂtinda sa kalsada ngunit naging matibay ang pagtanggi ng alkalde sa tuluyang pagbabawal sa kanila. Sinabi ni Olivarez na hahanapan na lamang niya ng lugar na mapupuwestuhan ang mga vendors na hindi makakaabala sa daloy ng trapiko sa Baclaran.
Nagbanta naman si Olivarez sa pulisya partikular na sa Police Community Precinct na nakaÂkasakop sa lugar na sila ang mananagot sa oras na mabalitaan na magsisibalikan ang mga illegal vendors sa naturang mga kalsada.
- Latest
- Trending