^

Metro

Sun Cellular scammer, natimbog sa QC mall

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang scammer na nag-aapplay ng postpaid subscription ng Sun Cellular ang nahuli kama­kailan sa isang shopping mall sa Quezon City.

Ang suspek na hindi muna pinagalanan habang iniimbestigahan ay nahuling nag-a­apply ng postpaid plan sa iba’t  ibang Sun Shop outlets at nag­susumite ng mga pekeng dokumento sa ilalim ng hindi nito tunay na pangalan para makakuha ng mamahaling smart phone na may kasamang postpaid subscription.

Ayon kay Reuben Pangan, tagapagsalita ng Sun Cellular, ang kanilang anti-fraud campaign ay naglalayong pigilan ang naglilipanang mga nanlolokong aplikante ng postpaid lines.

“Ang mga suspek kasi sa ganitong panloloko ay hindi lang nakakaapekto sa negosyo kundi sa mga taong nabibiktima nila ng identity theft at iba pang modus operandi.”

Agad inalerto ng customer service representative ang security department at mga guwardya sa mall ng nakumpirma na ang suspek ay nasa listahan ng fraudsters, ayon kay Pangan.

Magsasampa ang Legal and Regulatory Division ng Sun Cellular ng kasong estafa at falsification of public documents laban sa suspek.

Simula pa lamang ng taon ay naghain na ng mga kaso ang Sun Cellular laban sa mga indibidwal na pinagsususpetsahang nagpasa ng kahina-hinalang subscription applications upang makakuha ng libreng handsets at libreng network usage na kaakibat ng mga subscription plans.

AYON

ISANG

LEGAL AND REGULATORY DIVISION

MAGSASAMPA

QUEZON CITY

REUBEN PANGAN

SUN CELLULAR

SUN SHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with