^

Metro

5 timbog sa buy-bust

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima katao ang ares­tado matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga ta­uhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa parking lot ng ospital sa Caloocan City  kama­kalawa ng hapon.

Base sa coordination sa Caloocan City Police, kinilala  ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspect na sina Rohanie Magdara, 25; pinsan na si Muhaimen Magdara kapwa ng Almoro St., Biñan, Laguna; Abu Mangundaya, 23, Ansari Tomandung, 47; at Basit Madayan pawang ng Phase 12, Tala, Caloocan City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang PDEA na nagbebenta ng shabu ang mga suspect  na naging dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation dakong alas-4:00 ng hapon sa parking lot ng Tala Memorial Hospital ng lungsod.

Nang iabot ng mga suspect  ang 20 piraso ng sachet ng shabu na aabot sa 100 gramo at may halagang P400,000 ay agad na pinaligiran ang mga suspect at hindi na nanlaban nang arestuhin ang mga ito.

Nakuha rin sa mga suspect ang gamit na Toyota Tamaraw FX at mga cellphone.

 

vuukle comment

ABU MANGUNDAYA

ALMORO ST.

ANSARI TOMANDUNG

BASIT MADAYAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with