^

Metro

Onsehan sa droga, kelot inutas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa dro­ga ang dahilan kung ba­kit binaril at pinatay ang isang lalaki ng isang binata na naganap sa isang abandonadong lugar sa Makati City kahapon ng mada­ling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Os­pital ng Makati ang bik­timang si Garry Pia­lago, 27, ng Rosal St., Brgy. Pembo ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa isang kalibre .45 baril.

Samantala, hinahan­ting naman ng pulisya ang suspect na si Raniel  Escobeta, 25, ng Blk. 43, Lot 7, Yellow Bell St., Brgy. Pembo.

Ayon sa imbestigas­yon, naganap ang insi­dente dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa isang abandonadong kuwarto na ginagawang pot-session ng mga addict­  sa Blk. 71, Lot 20, Milflores St., Brgy. Rizal, Makati.

Naglalaro ang suspect at biktima ng dice, kasama ang ilang kalalakihan nang nagalit ang suspect at sinuntok ang biktima.

Hindi nakapalag ang biktima dahil may dalang baril ang suspect kung kaya’t dumanas muna ito ng gulpi.

Nagmakaawa pa ang biktima na huwag siyang patayin subalit makaraan ang ilang segundo ay na­karinig ng putok ng baril ang ilang saksi. Sinabi ng suspect na huwag silang­ maingay dahil patay na aniya ang biktimang si Pialago.

Matapos ang insi­dente ay mabilis na tumakas ang suspect na si Escobeta at ang biktima naman ay dali-daling isinugod sa naturang ospital­, subalit binawian ito ng buhay habang nila­lapa­tan­ ng lunas.

vuukle comment

BRGY

ESCOBETA

GARRY PIA

MAKATI

MAKATI CITY

MILFLORES ST.

PEMBO

ROSAL ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with