^

Metro

Kelot nagbigti sa puno

Ludy Bermudo at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 36-anyos na lalaki ang natagpuang patay na nakabigti sa puno sa Baseco, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa pamamagitan ng ba­rangay certificate na nakuha sa kanyang pitaka, kinilala ang nagpatiwakal na si Arnel Cueto, ng Purok 6, Brgy. Calicanto, Batangas City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, isang residente na si Beverly Trorica, ang nakakita sa biktima na tumawid sa bakod ng Delpan patungong Baseco Circle dakong alas-3:30 ng umaga.

Sa isang puno sa loob ng Baseco Circle nadiskub­reng nakabigti ang biktima, bagamat nakasayad ang paa sa lupa, gamit ang kanyang sariling sinturon na itinali sa leeg, bago mag-alas-4:00 ng madaling-araw.

Sa nasabing barangay cer­tificate, nakasaad na hu­mi­hingi ng medical as­sistance ang biktima dahil sa sakit sa baga.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Aalamin din kung may foul play sa insidente dahil ang lugar ay kilalang bentahan ng iligal na droga kung saan marami na ang naitalang napatay.

Samantala, sa Pasig City, laking panlulumo ng isang mister matapos na matagpuang nakabigti at wala nang buhay ang kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Pinagbu­hatan, Pasig City, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Mylene Jimenez, 37, at re­si­dente ng R.A.C.G. Gate II, Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan.

Nakadiskubre ang bangkay ni Jimenez na nakabigti sa beam ng kanilang bahay gamit ang isang nylon cord dakong ala-1:00 ng hapon.

Nabatid na huling nakitang buhay ni Joseph Rebenito ang kinakasama ng alas-8:00 ng umaga bago siya pumasok sa trabaho, kung saan ay ipinaghanda pa umano niya ito ng almusal.

Hindi naman na pumayag ang kapatid ni Jimenez na si Candy, 29, miyembro ng Batas ng Ciudad Enforcement Office, na imbestigahan pa ang insidente dahil naniniwala itong walang foul play na naganap.

Sinasabing mayroon ta­lagang suicidal tendency ang biktima dahil una na rin nitong tinangkang magpakamatay noong nakaraang taon ngunit   naagapan lamang ito.

Depresyon naman ang na­kikita ng mga awtoridad na posibleng dahilan kung kaya nagpatiwakal ang biktima.

 

vuukle comment

ARNEL CUETO

BASECO CIRCLE

BATANGAS CITY

BEVERLY TRORICA

BRGY

CIUDAD ENFORCEMENT OFFICE

HOMICIDE SECTION

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with