^

Metro

Kagawad nagbigti

Ricky T. Tulipat, Ma. Juneah Del Valle - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kagawad ang iniulat na nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay dahil sa sakit at problemang pi­nansyal, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Oscar Santos, 58, kagawad ng Brgy. Salvacion, ng Baco, La Loma, Brgy. Salvacion.

Nadiskubre ang pagbibigti ng biktima ganap na alas-8:00 ng umaga sa loob ng tahanan nito. Ayon kay Emma Santos, asawa ng biktima, bago ito, iniwan niya ang asawa sa kanilang bahay upang ihatid ang kanilang bunsong anak sa paaralan.

Sa kanyang pag-uwi ay doon na tumambad ang walang buhay na katawan ng mister na nakabitin sa isang wooden beam na mayroong telang nakatali sa leeg nito.

Isinugod pa sa ospital ang kagawad ngunit binawian na rin ito ng buhay.

Ayon sa pulisya, may diabetes ang biktima at may problemang pinansyal kaya hindi na nito magagawa pang ipagamot ang sakit na siyang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Samantala, kusa nang pumirma sa waiver si Emma na nagsasabing nag-suicide ang asawa nito.

vuukle comment

AYON

BACO

BRGY

EMMA SANTOS

ISANG

LA LOMA

OSCAR SANTOS

QUEZON CITY

SALVACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with