^

Metro

Tipster instant millionaire: Sub-commander ng Abu Sayyaf, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Instant millionaire ang tipster ng nasakoteng Sub-commander ng Abu Sayyaf Group  (ASG) na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom (KFR)  matapos itong mabitag ng pinagsanib na elemento ng PNP-Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) at Intelligence Security Group ng Phil. Army sa operasyon sa Quezon City, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, inianunsyo ni PNP-CIDG Chief P/Director Francisco Uyami Jr. ang pagkakahuli sa suspect na si Taib Basal Sali, alyas Gong-gong Sali/Abu Husni.

Samantala, sinabi ni Uyami na tatanggap ng P5.3 milyong reward ang tipster ni Sali, Sub-commander ng Abu Sayyaf  na sangkot sa kid­­napping ng mga mangga­gawa at mga nurses sa Ba­silan noong 2001.

“The information that led to the arrest came from a tipster which was further valida­ted by the victims from Basilan,” pahayag  ng opisyal.

Ayon kay Uyami si Sali ay nasakote ng mga awtoridad noong nakalipas na Huwebes bandang alas-11:30 ng tanghali sa operasyon sa Brgy. Payatas, Quezon City pero nitong Lunes lamang inanunsyo dahil isinalang muna sa tactical interrogation.

Ang suspect ay Sub-commander ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon na notoryus sa kidnapping for ransom at bombing.

Kasabay nito, ayon sa opisyal ay nabulgar naman na bukod kay Sali ay may iba pang Abu Sayyaf Group ang gumagala sa Metro Manila bagaman hindi nito tinukoy ang eksaktong bilang ka­ugnay ng patuloy na manhunt operations.

Nabatid na ang suspek ay galing Saudi Arabia at duma­ting sa bansa ngayong buwan kung saan nagtago ito sa Brgy. Payatas, para mag­bakasyon muna umano sa Metro Manila.

Inihayag ng opisyal  na isinagawa ang pag-aresto  sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention  sa mga manggagawa  ng Golden Harvest Plantation sa Brgy. Tairan, Lantawan noong Hunyo 11, 2001 at apat na nurse ng Dr. Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan City noong Hunyo 2, 2001.  Ang warrant ay inisyu ni Judge Leo Jay Principe ng Regional Trial Court Branch 1 at Judge Danilo Bucoy ng Regional Trial Court (RTC), Branch 2; pawang sa Isabela City, Basilan.

Sa impormasyon nakuha ng ahensya, ang suspect ay umalis sa bansa noong 2006 bilang electrician/lineman sa Riyadh, Saudi Arabia kung saan nagbalik lamang ito sa bansa para magbakasyon ka­ugnay ng Ramadan at nag­pa­planong muling lu­mabas sa Pilipinas kung hindi nasakote. Patuloy namang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ang nasakoteng suspect.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

METRO MANILA

QUEZON CITY

SALI

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with