^

Metro

Trapik sa Edsa asahan, dahil sa re-blocking

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na makararanas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorista partikular sa EDSA Avenue dahil sa isinasagawang re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

 Sa traffic advisory  ng Metro­politan Manila Deve­lopment Authority (MMDA), simula noong Biyernes ng gabi hanggang bukas, araw ng Lunes ng alas-5:00 ng umaga ay nagsagawa ng re-blocking ang DPWH sa area ng Elliptical Road, EDSA, Quezon City  at Caloocan. 

Nabatid na sa area ng Quezon City ang re-blocking  sa may  kahabaan ng EDSA, mula Jack Motors hanggang Dario Bridge sa may  southbound, Elliptical Road papuntang Commonwealth Avenue, ikatlong lane  mula sa center island sa pagitan ng Kalayaan at Maharlika Avenues. 

Patungong East Avenue ikaanim na lane, mula bangketa pagitan ng Visayas at Quezon Avenues at gayundin sa kahabaan ng Araneta Avenue­, mula Aurora Boulevard pagkatapos ng Palanza St.

Sa Caloocan naman ay sa Edsa, Monumento Circle, south-bound  lane 4,  mula Gen, Simon St. hanggang Monumento Circle, pagitan ng G. De Jsus St. at Gen. Tirona St. north-bound lane.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa pagsisikip ng trapiko.

 

ARANETA AVENUE

AURORA BOULEVARD

COMMONWEALTH AVENUE

DARIO BRIDGE

DE JSUS ST.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ELLIPTICAL ROAD

MONUMENTO CIRCLE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with