^

Metro

2 sugatan sa bus holdup

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang holdaper at isang pasahero ang sugatan makaraang tangkain ng una kasama ang isa pa na manlaban sa isang pulis na rumesponde sa panghoholdap nila sa isang pampasaherong bus sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang sugatang suspect na si Mark Charlie Ang, 18, ng Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Habang ang sugatang pasahero ay si Jonnafe Lazano, 26, ng Brgy. Malinta Valenzuela City. Tinutugis naman ng awtoridad ang isa pang suspect na nakilalang si Gerry Bisaya na mabilis na naka­takas makaraan ang insidente.

Nangyari ang insidente ganap na alas-10:30 ng gabi sa loob ng Pamana Transport Service Inc. bus (TXM-772) sa tapat ng Manila Seedling Bank sa kahabaan ng EDSA cor. Quezon Avenue, Brgy. Bagong Pag-asa.

Sumakay umano sa naturang bus na minamaneho ni Renato Tomarao ang mga suspect at agad na nagdeklara ng hold-up. Tinutukan ng mga suspect ng patalim ang mga pasahero at kinuha ang pera at personal na gamit ng mga ito.

Sabi pa ni Diva, sakay din sa nasabing bus si PO1 Frankie­ San Pedro, nakadestino sa Valenzuela Police Station at agad na naglabas ng baril para arestuhin ang mga suspect.

Ngunit agad ding naglabas ng baril si Bisaya at akmang itinutok kay San Pedro na ma­­bilis na pinaputukan ng huli ang una, pero nagmintis at ang tinamaan ay si Ang. Dali-daling tumakas ang mga suspect pero muling bi­naril ni San Pedro si Ang sa binti saka agad na inaresto.

Sa pagsisiyasat, napag-alaman ng awtoridad na ma­ging si Lazano ay tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso dahil sa putukan.

BAGONG PAG

BRGY

GERRY BISAYA

JONNAFE LAZANO

MALINTA VALENZUELA CITY

MANILA SEEDLING BANK

MARK CHARLIE ANG

PAMANA TRANSPORT SERVICE INC

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with