Malalang pagbabaha sa Malabon, giit solusyunan
MANILA, Philippines - Mariing nanawagan ang mga residente sa lungsod ng Malabon sa pamahalaang lokal o sa mga kinauukulan na resolbahan ang malalang tubig-baha sa kanilang lugar dulot ng kinukumpuÂning dike ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nabatid sa mga residenteng nakatira sa Rivera St., Brgy. Tañong ng naturang lungsod, dati-rati aniya, kapag high-tide sa naturang lugar ay hindi naman sila nakakaranas ng pagtaas ng tubig-baha. Subalit simula noong Linggo ay nakaranas sila ng mataas na pagbaha at pumasok pa ang tubig sa kani-kanilang tahanan at umabot ito ng hanggang hita.
Dahil dito, idinulog ng ilang residente sa tanggapan ng barangay upang alamin ang dinadanas nilang pagbaha sa naturang lugar, kaÂtwiran aniya ng barangay ito ay dahil sa ginagawang dike sa bahagi ng CAMANAVA Flood Control Project ng DPWH na kinukumpuni sa area ng lungsod ng Navotas.
- Latest