^

Metro

Lalaki sapol sa Russian roulette

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na lalaki ang nasawi makaraang maglaro ng baril na itinutok sa kanyang sentido saka kina­labit ang gatilyo sa harap ng kan­yang mga kaibigan sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Ricky Flores, 32, ng  J.P. Laurel St., P.S. Cruz Subd., No­va­liches ay nagawa pang maitakbo sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nangyari ang insidente sa may J.P. Laurel St., P.S. Cruz malapit sa bahay ng biktima ganap na ala-1:30 ng mada­ling-araw.

Bago ang insidente, nakita umano ang biktima ng kanyang live-in partner na si Joana Tiburcio na pumasok ng kanilang bahay at ilang minuto ay lumabas na may bitbit na baril.

Diumano, lumabas ng kanilang bahay ang biktima dala ang baril saka nagpunta sa mga kaibigan na sina Kenneth Velasco, Domingo Viniegas at Mark Joseph Lansang na noon ay naglalaro ng bilyar sa lugar.

Habang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ay binunot ng biktima ang baril saka inalis ang mga bala sa chamber nito saka naglagay ng isang bala lamang.

Habang pinaglalaruan ang baril ay tatlong ulit na itinu­tutok ito sa kanyang ulo saka kinakalabit pero hindi pumuputok. Subalit sa ika-apat na pagkakataon, nang muling kalabitin ng biktima ang baril ay pumutok ito sanhi para tumama sa kanang sentido at lumagos sa kanyang ulo.

 

vuukle comment

BARIL

CRUZ SUBD

DOMINGO VINIEGAS

HABANG

JOANA TIBURCIO

KENNETH VELASCO

LAUREL ST.

MARK JOSEPH LANSANG

SI RICKY FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with