Kelot pinalagan, tigok sa sinita
MANILA, Philippines - Utas ang isang 18-anyos na lalaki nang palagan ng kanyang sinita na palakad-lakad sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Arnold Abella, ng De Dios Extension, Sta Mesa, Maynila.
Dinakip na ang suspect na si Elpidio Silonga, 20, binata, isang helper, tubong-Tanay, Rizal at stay-in sa GSIS Metro Homes Bldg., 25 Unit D-5 Anonas St., Sta. Mesa, Maynila na natunton ni PO3 Tajonera sa De Ocampo Memorial Medical Center sa Nagtahan, Sta. Mesa, Maynila na nagpapagamot sa tinamo niyang sugat sa braso at kanang kamay.
Dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang makitang palakad-lakad ang suspect sa tapat ng isang bahay sa Pureza St., Sta. Mesa kaya ito sinita ng biktima subalit sumagot umano nang pabalang ang suspect na nauwi sa pagtatalo at suntukan hanggang sa nakitang naglabas ng kutsilyo ang biktima at inundayan ang suspect na nailagan nito.
Nagpambuno ang dalawa at naagaw ng suspect ang patalim na isinaksak sa biktima hanggang sa bumulagta ito. Sa pagtakas ng suspect, dumiretso ito sa ospital dahil sa natamong sugat sa pag-aagawan ng patalim, kung saan ito inaresto.
- Latest