^

Metro

Stude dedo sa ‘akyat-bahay’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang estudyante matapos na pagsasaksakin at pagnakawan ng mga hinihinalang miyembro ng ‘akyat-bahay’ sa loob ng kanyang kuwarto sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Natagpuang nakabalot ng kumot at may mga saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Ranilo Raymundo, 18,  at residente ng Hydenhower Bend St., Phase 10, Parkwood Village, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Pasig City Police chief, P/Senior Supt. Mario Rariza, nabatid na dakong alas-5:32 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nauna rito, inutusan umano ng kanyang amo ang kasambahay na si Mirriam Moreno para gisingin na ang biktima dahil sa papasok pa ito sa eskuwelahan.

Gayunman, matagal na umanong kinakatok ni Moreno ang kuwarto ng biktima ay hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto.

Dahil dito, puwersahan na nilang binuksan ang pinto ng kuwarto at dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima na naka­balot sa kumot at may mga saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya ay lumilitaw na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil nawawala ang tatlong cellphone, dalawang laptop at camera mula sa kuwarto ng biktima.

 

vuukle comment

BATAY

HYDENHOWER BEND ST.

MARIO RARIZA

MIRRIAM MORENO

PARKWOOD VILLAGE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RANILO RAYMUNDO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with