‘Manila’s Finest’, ibabalik ko -- Estrada
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na kanyang ibabalik ang ‘Manila’s Finest’ kung saan nakasalalay ang kredibilidad at kahusayan ng kapulisan ng Manila Police District (MPD).
Ayon kay Estrada, kailangan lamang ng mga pulis na sundin ang kanilang sinumpaang tungkulin at maging tapat sa publiko. Paliwanag ni Estrada, daÂpat na sebisyuhan ng mga pulis ang Manilenyo na magpapatunay ng kanilang galing at pagbibigay respeto sa mga nangangaÂilangan.
Giit ni Estrada, nais niyang ilayo ang mga pulis sa anumang iligal na sugal na nagiging dahilan upang maging corrupt. Subalit ngaÂyon aniya, maraming sangkot na pulis sa iba’t ibang uri ng krimen, anomaly at sugal. Layon din ni Estrada na maibsan ang insidente ng carnapping kung saan isa sa mga nangunguna umano ang Maynila.
Ito aniya ang dahilan kung kaya’t naglunsad ang MPD ng kanilang facebook account hinggil sa mga naÂwawalang sasakyan. Sa ilalim ng FB account ng MPD Anti Carnapping na pinamumunuan ni Sr. Insp. Rosalino Ibay, maaari nang malaman ang status ng saÂsakyang nawawala.
Ang FB account at Manila CRAV o Carnapped, ReÂcovered, Abandoned Vehicles.
- Latest