^

Metro

Ex-cop ipatatawag sa ambush ng Letran cager

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ng pamunuan ng San Juan PNP ang sinasabing dating pulis na dating karelasyon ng live-in partner ng basketball player ng Letran upang tanu­ngin kung may kinalaman ito sa naganap na ambush sa basketbolista sa San Juan City kamakalawa ng gabi.

Sa naganap na ambush ay sugatan ang basketball player na si Franz Dysam habang patay naman ang kanyang live-in partner na si Joanne Sordan. Hindi pa tinukoy ng mga awtoridad ang pangalan ng pulis pero kanilang tiniyak na ipapatawag nila ito.

Ayon kay San Juan Police Chief P/Senior Supt. Bernard Tambaoan, naganap ang krimen matapos ang laro ng varsity team ng Colegio de San Juan de Letran sa NCAA Season 89 Game laban sa Lyceum Pirates nitong Sabado ng gabi sa The Arena sa San Juan, kung saan tinalo ng Letran Knights ang kanilang kalaban sa puntos na 61-53.

Bumibiyahe na umano ang mga biktima, kasama ang kanilang anak na lalaki na tatlong buwang gulang lamang, isang pinsan at isang pamangkin, na pareho ring menor de edad, dakong alas-7:45 ng gabi sakay ng kanilang kulay gray na Nissan Sentra (ZCA-176) sa panulukan ng N. Domingo St. at Araneta Avenue sa San Juan City nang bigla na lang silang tambangan at pagbabarilin ng mga suspect, na lulan ng isang motorsiklo.

Sa ngayon ay tinitingnan na ng mga awtoridad ang anggulong love triangle sa krimen.

ARANETA AVENUE

BERNARD TAMBAOAN

DOMINGO ST.

FRANZ DYSAM

JOANNE SORDAN

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with