^

Metro

Wanted na Bgy. Chairman, papalitan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippine s- Nakatakda nang palitan sa kanyang puwesto ang barangay chairman sa Caloocan City na nagtatago nga­yon makaraang barilin sa ulo at mapatay ang kanyang kabarangay kamakailan.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nakatakdang pumalit kay Barangay 136 Chairman Othello “Boy” Ocampo si Kagawad Doreco Nopal.  Si Nopal ang number 1 na ka­gawad sa barangay na siyang pinakakuwalipikado na pumalit kay Ocampo.

Matatandaan na itinuturo si Ocampo na siyang nakabaril at nakapatay sa kabarangay nitong si Wilfredo Diwa noong nakaraang Linggo makaraang sitahin siya sa ingay na nililikha dahil sa pagrerebolusyon ng sasakyan sa madaling-araw.

Nilisan naman ni Ocampo at ng kanilang buong mag-anak ang barangay ma­karaan ang krimen at nagpadala na umano ng liham sa pamilya Diwa na humihi­ling na aregluhin na lamang ang kaso.

Una namang binigyan ni Malapitan si Ocampo ng 10 araw para lumutang at ipaubaya sa alagad ng batas ang imbestigasyon at upang hindi mapalitan sa kanyang puwesto.

Sinabi pa ng alkalde na kailangang magkaroon ng papalit sa isang barangay upang hindi maantala ang operasyon at serbisyo ng isang barangay hall sa kanilang mga nasasa­kupan.

vuukle comment

BARANGAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CHAIRMAN OTHELLO

KAGAWAD DORECO NOPAL

OCAMPO

SI NOPAL

SINABI

WILFREDO DIWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with