^

Metro

Bus bawal na sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na maaaring pu­masok sa lungsod ng May­nila  ang mga  provincial bus.

Ito’y matapos na ipasa ng konseho ng Maynila  ang Resolution  No. 48 na nagbabawal sa mga provincial bus na  pumasok ng  Maynila.

Ayon kay Manila 3rd dis­­trict councilor at Traffic Management Committee chairman Manuel ‘Letlet’ Zarcal,  panahon na upang  kontrolin ang pagpasok ng mga bus sa Maynila ng walang mga terminal.

Aniya, pawang nakabalagbag lamang ang mga  provincial bus  na pumapasok sa lungsod na nagiging dahilan ng pagsisikip ng  daloy ng trapiko.

Ang masikip na daloy ng trapiko ngayon ang  pi­nagtutuunan ng pansin ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Paliwanag ni Zarcal, tanging ang  mga provincial bus lamang na may mga terminal sa lungsod ang maaaring makapasok sa Maynila.

Idinagdag pa ni Zarcal na  sa ilalim aniya ng  traffic management code, may karapatan ang  komite na magsagawa  at bumuo ng  plano upang masolusyunan ang  traffic.

Lumilitaw aniya sa pag-aaral ng  Japan Internal Co­operation Agency(JICA) at  Department of Transportation and Communications (DOTC) na ang  dami ng  mga bus sa lansangan ay isang dahilan ng  masikip na daloy ng sasakyan.

ANIYA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JAPAN INTERNAL CO

MAYNILA

TRAFFIC MANAGEMENT COMMITTEE

ZARCAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with