^

Metro

Illegal gambling sa Maynila wawalisin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga illegal gambling operators sa lungsod  na bilang na ang kanilang mga araw dahil  hindi magsasawa ang kanyang administrasyon na walisin at suyurin ang mga lugar na pinagsasagawaan ng mga operasyon nito.

Ayon kay Estrada, ginagawa ng  pamahalaang lungsod ang  lahat ng paraan upang mabigyan ng  sapat na kabuhayan ang mga maliliit na mamamayan ng Maynila bukod  pa sa iba’t ibang programa kanilang pinag-aaralan.

Ani Estrada,  hindi sapat ang  pagbibigay ng  puwesto sa mga vendor  upang makapagtinda para sa kanilang ikabubuhay araw-araw. Mas nais umano niyang mabigyan ng  pang matagalang solusyon at kabuhayan ang mga Manilenyo.

Hindi umano maaaring iasa ng mga residente ang kanilang pangkain araw-araw sa mga iligal na sugal.

Dahil dito, sinabi ni Estrada na  inatasan niya ang lahat ng mga  MPD Station commanders na paigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa mga illegal gambling partikular ang  jueteng at  video karera.

Giit ni Estrada,  kailangan pang doblehin ng mga station  commanders ang kanilang  trabaho dahil may mga ‘guerilla type’ na pasugalan sa lungsod.

Kamakalawa ay pina­ngunahan ni Estrada kasaman sina Manila Vice Mayor Isko Moreno at MPD director Chief Supt. Isagani Genabe sa pamamagitan ng  maso, bolt cutter at bulldozer ang 107 video karera machine na nakumpiska mula sa anim na distrito ng lungsod.

Ang mga VK na nakuha ay mula sa  MPD Station 1-(Raxabago),15; Station 2 (Moriones)- 24; Station 3 (Sta. Cruz)-8; Station 4 (Sampa­loc)-7; Station 5 (Ermita)-5; Station 6 (Sta. Ana)-5; Station 7 (Jose Abad Santos)-8; Station 8 (Sta. Mesa)-8; Station 9 (Malate)-6; Station 10 (Pandacan)-9 at  Station 11 (Meisic) 12.

Layon ng  pagsawata ng  mga sugal sa Maynila na maibalik din   sa hanay ng mga pulis ang  pagiging ‘Manila’s Finest’ bukod pa sa pagbabalik ng  tiwala ng  publiko.

Pinaalalahanan din ni  Estrada ang mga pulis  ang ipinatutupad na ‘One Strike Policy’.

ANI ESTRADA

CHIEF SUPT

ESTRADA

ISAGANI GENABE

JOSE ABAD SANTOS

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with