^

Metro

Kelot itinumba sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang salarin habang naglalaro ng iligal na sugal na video-karera sa lungsod ng Pasay kahapon ng madaling-araw.

Nasawi sa loob ng San Juan de Dios Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala ng kalibre .45 baril ang 34-anyos­ na si Nemencio Matutino, alyas “Tugis”, ng Block 6 Lot 7 Saint Francis St., Brgy. Maricaban, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang panibagong krimen sa lungsod dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa isang puwesto ng video karera sa may St. Francis St.

Nagsusugal ang biktima nang lapitan ng isang lalaki at sunud-sunod itong paputukan ng baril saka mabilis na tu­makas. Ayon sa isang saksi, posibleng kakilala ni Matutino ang salarin dahil sa nagsalita pa ito ng “Jo, huwag…,” bago ito pinagbabaril.

Inamin naman ng live-in partner ng biktima na si Leticia Sandoval, 37, sa mga imbestigador na sangkot sa mga iligal na aktibidad ang kanyang kinakasama, partikular ang pagbebenta umano ng illegal na droga kaya’t posibleng ito umano ang motibo sa pamamaslang.

Nabatid na may “warrant of arrest” ding kinakaharap ang suspek na inilabas ng Pasay City Regional Trial Court ukol sa kasong frustrated murder at may kinakaharap din itong kaso ng pagnanakaw.

Nagtataka naman ang pulisya dahil sa nang rumesponde ang mga imbestigador ay nalinis na ang lugar ng krimen at wala na rin ang sinasabing makina ng video-karera.  Iniwan umano ng mga naglinis ang limang basyo ng bala ng kalibre .45 na ginamit ng salarin sa pamamaslang.

AYON

BRGY

DIOS HOSPITAL

LETICIA SANDOVAL

NEMENCIO MATUTINO

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

SAINT FRANCIS ST.

SAN JUAN

ST. FRANCIS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with