^

Metro

P1.2- M shabu nakumpiska

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P1.2 mil­yong halaga ng hini­hinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang babaeng drug pusher sa ikinasang operasyon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nadakip na si Pejay Madeja, 28, residente ng Sampaguita St., Bagong Sibol, South Greenheights, Putatan, Muntinlupa City.  Nakumpiska sa posesyon nito ang nasa 241.4 gramo ng shabu.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA dakong alas-6:30 ng gabi noong Hulyo 12 sa isang shopping mall sa Las Pinas City.

Unang nakipagtransaksyon ang isang operatiba ng PDEA sa suspek sa pagdeliber ng naturang iligal na droga.

Agad na dinakma si Madeja makaraang iabot ang iligal na droga na nakalagay sa isang brown envelope sa poseur buyer ng PDEA.  Nakumpiska rin sa suspek ang dala nitong cellular phone na gamit nito sa transaksyon.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at isinasailalim sa inte­rogasyon upang mabatid ang organisasyon na kinasasangkutan nito.

BAGONG SIBOL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

LAS PI

LAS PINAS CITY

MUNTINLUPA CITY

NAKUMPISKA

PEJAY MADEJA

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with