^

Metro

Bus salpok sa poste: 14 pasahero sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang 14 na pasahero makaraang bumangga ang sinasakyan nilang bus sa isang poste sa South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Kaagad na isinugod ng Muntinlupa Rescue Team sa Parañaque Medical Center ang mga sugatang pasahero na karamihan ay pawang nagtamo ng minor injuries sa katawan. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng Cher Transport Bus (TYK-944) na si Rimson Baarte.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Highway Patrol Group, naganap ang aksidente dakong alas-6:53 ng umaga sa SLEX sa may Alabang viaduct.  Nabatid na galing sa Pacita Complex sa San Pedro, Laguna ang bus at patungong Malabon.

Depensa ni Baarte, nawalan umano siya sa kontrol sa manibela kaya diretsong sumalpok sa konkretong poste.  Sinabi nito na ipinaayos naman niya ang manibela sa kanilang mekaniko nang una nang maramdaman na nagla-lock ito.

Posible umanong hindi ma­ayos ang pagkakakumpuni sa manibela dahilan para muli itong mag-lock at hindi na niya makontrol ang manibela.

Sinampahan  ng pulisya si Baarte ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at damage to property.

 

BAARTE

CHER TRANSPORT BUS

HIGHWAY PATROL GROUP

MEDICAL CENTER

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA RESCUE TEAM

PACITA COMPLEX

RIMSON BAARTE

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with