^

Metro

Mister nagbigti dahil sa kaseselos ng misis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng napundi na sa madalas na pagseselos at pangungulit sa text ng kanyang misis kaya pinili na lamang na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 23-anyos na mister sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jerome Castillo,  store helper at stay-in sa  Kasilawan, Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, natagpuang nakabigti  ang biktima sa kisame ng tindahan sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon, isang Onasis Panganiban, kapatid ng may-ari ng tindahan, ang nakadiskubre sa bangkay nang subukan niyang buksan ang tindahan dahil halos  tanghali na ay sarado pa ito. Doon nakita ang biktima na nakabitin sa kisame ng tindahan gamit ang kawad ng kuryente.

Nabatid na ang misis ng biktima at nakatira umano sa Mandaluyong City ay madalas umanong gerahin sa text ang mister dahil sa pagdududa na may iba itong babae. Tumanggi na ang mga kaanak at misis ng biktima na laliman pa ang imbestigasyon dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa kaso. (Ludy Bermudo with trainee Pinky F. de Leon)

 

vuukle comment

ANA HOSPITAL

HOMICIDE SECTION

JEROME CASTILLO

KASILAWAN

LUDY BERMUDO

MANDALUYONG CITY

MARIO ASILO

MAYNILA

ONASIS PANGANIBAN

PINKY F

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with